Binatilyo naglason matapos ayawan ng ina ng nobya

MANILA, Philippines - Patay ang isang 16-an­yos na binatilyo matapos tu­ mungga ng silver cleaner makaraang ayawan ito ng nanay ng kanyang kasin­tahan kahapon ng mada­ling-araw sa Ca­loocan City. Nakilala ang nasawi na si Ronnie Agullo, ng Malvar St., Brgy. Pag-Asa, Cama­rin ng nabang­git na lung­sod. Ayon sa report ng pu­lisya, naganap ang pagpa­patiwakal dakong alas-3 ng madaling-araw sa bahay ng biktima. Unang narinig ang pag­daing ng nasawi at nang tunguhin ito ng kan­yang mga ka­anak sa kuwarto ay doon nakitang bumubula na ang bibig nito katabi ang isang botelya ng silver clean­ing solution na pinaniniwa­laang ininom nito. Nabatid sa mga pinsan ng biktima na masama ang loob nito dahil ayaw sa kanya ng ina ng kanyang nobya na sinasabing po­sib­leng da­hilan ng pag-inom ng lason ng binatilyo. (Lordeth Bonilla)

Show comments