Ted Failon lumutang sa NBI

MANILA, Philippines - Lumutang na kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) si ABS-CBN broadcaster Ted Failon kaugnay sa im­bes­tigasyon ng pagkama­tay ng misis nitong si Trinidad Etong.

Nagtungo si Failon sa tanggapan ni Atty. Ed Villar­ta, hepe ng National Capital Region (NCR) ka­sama ang kanyang tatlong abogado.

Isinailalim sa limang oras na pagtatanong si Fai­lon kung saan pinali­linaw sa kanya ang ilang mga kata­nungang hindi umano na­resolba ng Que­zon City Police District (QCPD) sa pagkamatay ni Trina.

Ayon kay Atty. Ric Diaz, isa din sa hepe ng team na may hawak sa imbesti­gasyon, ang pagkakaroon ng news black-out ay kahi­lingan umano ni Failon.

Una nang iniutos ni Justice Secretary Raul Gonzalez sa NBI na lutasin ang kaso at alamin kung nagpakamatay o pinatay si Trina. (Ludy Bermudo)

Show comments