Ted Failon lumutang sa NBI
MANILA, Philippines - Lumutang na kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) si ABS-CBN broadcaster Ted Failon kaugnay sa imbestigasyon ng pagkamatay ng misis nitong si Trinidad Etong.
Nagtungo si Failon sa tanggapan ni Atty. Ed Villarta, hepe ng National Capital Region (NCR) kasama ang kanyang tatlong abogado.
Isinailalim sa limang oras na pagtatanong si Failon kung saan pinalilinaw sa kanya ang ilang mga katanungang hindi umano naresolba ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkamatay ni Trina.
Ayon kay Atty. Ric Diaz, isa din sa hepe ng team na may hawak sa imbestigasyon, ang pagkakaroon ng news black-out ay kahilingan umano ni Failon.
Una nang iniutos ni Justice Secretary Raul Gonzalez sa NBI na lutasin ang kaso at alamin kung nagpakamatay o pinatay si Trina. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending