^

Metro

Armas ng Sayyaf nasamsam sa pier

-

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga awtoridad makara­ang maharang ang supply ng mga armas na pinaniniwalaang idi-deliver sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi sa Pier 15, Port Area, Manila.

Ayon kay Navy Spokesman Marine Lt. Col. Edgard Arevalo, dakong alas-6:51 ng gabi nitong Martes ng magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elemento ng Task Force Sea Marshal na binubuo ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Maritime Police sa lugar.

Sinabi ni Arevalo na ang naturang illegal na shipment ng mga malalakas na ka­libre ng armas ay dadalhin sa Zam­boanga City sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf bagay na patuloy pang ini­imbestigahan. Kabilang sa mga nasam­sam na supply ng mga armas ay anim na M16 rifles, isang cal. 22 rifle, sari-saring uri ng mga parte ng armas.

Nakalagay ang nasabing mga armas pandigma sa dalawang speaker baffles na nadiskubre sa isinagawang pagi-inspek­syon sa mga bagahe na isinasakay sa Super Ferry 12 sa Pier 15, Port Area, Manila. Ang kontrabando ay naka-consign sa isang Radzmal Arijan ng Baliwasan Seaside, Zamboanga City kung saan isang tinukoy na Vanessa Lopez ang shipper nito. (Joy Cantos at Ludy Bermudo)

ABU SAYYAF

BALIWASAN SEASIDE

EDGARD AREVALO

JOY CANTOS

LUDY BERMUDO

MARITIME POLICE

NAVY SPOKESMAN MARINE LT

PHILIPPINE COAST GUARD

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with