^

Metro

6 sugatan sa demolition sa Pasay

-

MANILA, Philippines - Anim katao ang iniulat na nasugatan makara­ang magpang-abot ang mga miyembro ng demo­lition team at mga naapektuhang residente nang sumiklab ang tensiyon sa isinagawang demolis­yon sa may 200-kabahayan, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Agad na dinala sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima na isa na rito ay kinilalang si Alberto Morales, 23, habang nawalan naman ng tirahan ang may 800 pamilya sa San Juan St., nabanggit na lungsod.

Nabatid na nag-ugat ang tensiyon makaraang hindi pinagbigyan ng may-ari ng lupang kinati­tirikan ng mga apektadong residente ang hinihi­nging 25-araw na palugit ng mga huli dahil na rin sa isang patay na nakaburol sa nabanggit na lugar.

Wala namang nagawa ang mga residente kundi bibitbitin pati na rin ang kabaong ng naka-burol nang ipagpatuloy ang paggiba sa kanilang mga kabahayan matapos ang kaguluhan. Ang kaguluhan ay napayapa nang dumating sa lugar ang mga mobile car at pwersa ng kapulisan na pumagitna sa insidente.

Batay sa demolition order na ipinalabas ng Pasay City Sheriff Office, ang isang ektaryang lote na kinatitirikan ng mga residente ay pag-aari ng pamilya Madrigal na malapit na kaanak ni Sena­dora Jamby Madrigal. Binatikos naman ng mga napalayas na mga residente ang lokal na pama­halaan ng Pasay City dahil hindi umano sila binig­yan ng relokasyon na ka­nilang malilipatan lalo pa’t pangunahing na­apek­tuhan ay ang kanilang mga anak na nagsisi­pag-aral sa paaralan ng lugar. (Rose Tamayo-Tesoro)


ALBERTO MORALES

BATAY

BINATIKOS

JAMBY MADRIGAL

PASAY CITY

PASAY CITY SHERIFF OFFICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN JUAN ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with