Navotas fire: Ina, 2 anak patay

MANILA, Philippines - Tatlo katao na kinabibila­ngan ng mag-iina ang nasawi sa sunog na naganap ka­hapon ng madaling-araw na nagsimula sa pabrika ng isang plastic sa Navatos City.

Nakilala ang mga nasawi na si Luciana Ang Co, 52, at mga anak na sina Alfonce Mac Hurley Ang Co, 22; at Eillen Ang Co, 20, pawang mga naninirahan sa #101 River­side, San Rafael Village ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw nang mag­simula ang sunog sa ika­lawang palapag ng nasabing pabrika na pag-aari ng kaanak ng mag-iina na si William Co.

Mabilis na kumalat ang apoy kung saan hindi na naka­labas ng kanilang ku­warto ang mga biktima hang­gang sa magkasamang ma­sunog.

Alas-4:45 kahapon ng umaga nang maapula ang apoy. Tinatayang P2 million halaga ng ari-arian ang na­tupok. Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng nasabing sunog.


Show comments