Quintuplets isinilang: 3 kritikal
MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang 25-anyos na ginang matapos malagay sa kritikal na kondisyon ang buhay ng tatlo sa limang sanggol o quintuplets na kanyang isinilang kahapon ng madaling-araw, sa pampublikong ospital sa Maynila.
Kasalukuyang naka-confine sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Lorita Barrera, residente ng Brgy. Fatima, Dasmariñas, Cavite na nagsilang alas-4 ng madaling-araw kahapon ng limang babaeng sanggol na sina A, B, C , D, E.
Sinabi ni Dr. Joleen de Leon, resident physician ng Neonatal Intensive Care Unit (NICU) ng JRMMC, na nasa sensitibong kalagayan ang limang beybi at pawang naka-incubators dahil sa hirap sa paghinga. Isa umano ang nilagyan ng tubo habang ang dalawa ay hirap na hirap lumaban sa kanilang buhay habang ang dalawa ay nasa mas mainam na kondisyon.
Caesarian umano ang premature babies dahil 33 weeks lamang at kulang pa ng apat na linggo kaya hindi pa umano fully developed ang baga ng mga ito, anang doktor. Hiling ni Barrera at live-in partner na si Gary Fer nandez, sa sinumang may mabuting puso na tulungan sila.
Nabatid na bukod sa limang bagong pa nganak ay may 7-anyos pa silang anak. Problemado umano sila sa pampagatas, lampin, lalo na sa gamot na kinakailangan ng nasa kritikal na mga sanggol dahil kapwa sila walang trabaho.
Kailangan na umanong mapainom ng Sulfactant na tig-P20-libo ang halaga ang mga sanggol at bukod pa rito ay kulang sa pasilidad umano ang ospital kaya pinayuhan sila na umarkila sa pribadong health providers ng makina o ventilator. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending