^

Metro

Snatcher timbog sa bilis ng 78-anyos na lola

-

MANILA, Philippines - Hindi umubra ang pagiging astig ng isang snatcher sa bilis ng kilos ng isang 78-anyos na lola matapos siyang habulin ng huli at mapaaresto habang itinatakas ang inagaw niyang bracelet sa lola na may sentimental value, sa lungsod ng Pasig kahapon ng umaga.

“Mahalagang-mahalaga sa akin ang bracelet ko kaya hinabol ko siya (snatcher) para mabawi ko, kasi bigay sa akin iyan ng na­sira kung asawa,” ayon kay lola Alicia Mabbayad, biyuda, at nakatira sa Emilio Jacinto St ., Brgy. Malinao, makaraang mabawi mula sa suspek na si Danilo Buena, 43, ng Doña Aurora, Brgy. Pinagbuhatan, ang nasabing alahas.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Rolando Lipata, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa may Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas sa lungsod.

Sinasabing galing sa simbahan si lola kasama ng isang Flor Bajande at papasok sila sa isang fastfood nang biglang hablutin ng suspek ang gintong bracelet ng una.

Bagama’t nabigla, hindi nawalan ng pag-asa si Lola kung saan kasama si Bajande ay mabilis na hinabol ng mga ito ang suspek habang nagsisigaw ng paghingi ng saklolo.

Nakatawag naman ng pansin ang pagsigaw ng dalawa sa isang traffic enforcer na si Amelia Asuncion at hinarang ang suspek saka inaresto.

Sinabi pa ni Lola na malaki ang halaga sa kanya ng bracelet dahil bigay umano sa kanya ito ng namayapang asawa noong mga bata pa sila at bago pa lamang mag-asawa sa halagang P1,000. Inamin naman ng suspek ang nasabing bintang sa pagsa­sabing ginawa lamang niya iyon dahil sa gutom. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

ALICIA MABBAYAD

AMELIA ASUNCION

BRGY

CARUNCHO AVE

DANILO BUENA

EMILIO JACINTO ST

FLOR BAJANDE

LOLA

RICKY TULIPAT

ROLANDO LIPATA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with