^

Metro

Lider ng holdup gang, 7 pa timbog

-

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nalansag na ng pulisya ang serye ng hol­da­pan ng mga pampasa­ herong jeep at bus sa kaha­baan ng Commonwealth sa Quezon City matapos na ma­lambat ang walong kalalaki­hang respon­sable umano sa nasabing in­sidente kahapon ng madaling- araw sa lungsod.

Kinilala ni Senior Supt. Elmo San Diego, QCPD chief ang mga suspek na sina Allan Carbungco, Arthur Carbungco, Willardson Uy, Vicente Llaneta Jr., Eliseo Madela Jr., Michael Suyu, Randy Ortega at Mark Neil Pichay pawang mga resi­dente ng Brgy. Common­wealth, Quezon City.

Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek habang nagsasa­gawa ng operasyon ang pu­lisya laban sa mga street crime nang maispatan nila ang isang grupo ng mga kalalakihan sa kaha­baan ng Commonwealth Ave­nue sa harapan ng Commis­sion on Audit (COA) sa Que­zon City ganap na alas-12 ng hatinggabi.

Nang lapitan ang grupo ay bigla na lamang nagpulasan ang mga ito dahilan upang mag­ka­roon ng habulan at maaresto ang nasabing mga suspek.

Narekober kay Carbungco, na hinihinalang lider ng grupo ang isang kalibre 38 baril, gayundin ang tatlong sachet ng shabu, limang bala at isang ka­libre 38 baril din ang nakuha kay Uy.

Bukod sa mga baril naku­ha­nan din ng mga pulis ng patalim sina Pichay, Ortega, Suyu, Madela, Llaneta at Arthur Carbungco.

Samantala, natukoy naman ng mga awtoridad si Carbungco na siyang nang-hostage sa isang stenographer ng RTC Branch 88 sa Quezon City habang dinidinig ang kanyang kasong robbery noong Feb­ruary 2008.

Samantala, nanawagan naman si San Diego sa mga bik­tima ng pampasaherong jeepney at pampasaherong bus na magtungo sa PS-6 upang kila­lanin ang mga suspek kung ang mga ito ang nambiktima sa kanila. (Ricky Tulipat)


ALLAN CARBUNGCO

ARTHUR CARBUNGCO

CARBUNGCO

COMMONWEALTH AVE

ELISEO MADELA JR.

ELMO SAN DIEGO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with