Holdaper nagbisikleta

MANILA, Philippines - Isang 41 anyos na project engineer na si Reuvyl Manalag ang naglalakad pauwi sa Cordillera St., Barangay St. Peter, Quezon City nang barilin at ma­patay siya ng dalawang hinihinalang holdaper na lulan lang ng bisikleta kamakalawa ng gabi.

Tina­ngay ng mga suspek ang clutch bag ng biktima na nagla­laman ng hindi mabatid na halaga ng salapi.

Isina­larawan naman ng mga nakasaksi ang mga suspek kung saang ang isa ay may taas na 5’4, moreno, nakasuot ng puting t-shirt habang ang isa ay nakasuot ng dilaw na motorcyle t-shirt at asul na short pants. (Ricky Tulipat)

Show comments