Pintor nabundol

MANILA, Philippines - Nagkalasog-lasog ang mga buto at namatay ang 34-anyos na pintor na si Christopher Rivera nang ma­bundol siya ng isang Mitsubishi Outlander na mina­maneho ni Rowel Reyes, 21, habang tumatawid siya sa Timog Avenue, Quezon City kahapon ng umaga. 

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Reyes na hawak na ngayon ng pulisya. (Ricky Tulipat)

Show comments