Trader itinumba

MANILA, Philippines - Naglalakad pauwi sa kanyang bahay sa Sauyo Road, Del Mundo Compound, Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City ang 53 anyos na negos­yanteng si Esteban Reyes Jr. nang sumulpot sa harap ang isang lalake at pinagbabaril siya kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi ang biktima. Mabilis na tumakas ang suspek na balingkinitan ang pangangatawan, kulot ang buhok at nakasuot ng puting sleeveless na t-shirt. (Ricky Tulipat)

Show comments