Tindero todas, 1 sugatan sa rambol

MANILA, Philippines - Isang tindero ang na­matay habang sugatan naman ang bayaw nito matapos na paghahatawin ng tubo at pagsasaksakin pa ng basag na bote ng alak ng tatlong katao nang mauwi sa rambulan ang alitan ng mga ito sa loob ng isang videoke bar sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Roy Garcia, 33, may-asawa, at residente sa 29 Anapolis St., Cubao sa lungsod. Ang sugatang biktima naman ay si Moises Castro, 24, binata at resi­dente rin sa nasa­bing lugar.

Arestado naman ang mga suspek na sina Chris Rivera, 32; Eduardo Pa­yad, 40, may-asawa; Jerry Duran, 22, binata; pawang mga residente sa Cubao. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang isa pang suspek na si Gorgete Karingal na sinasabing namalo ng tubo sa biktima.

Nauna rito, nagkaroon ng pagtatalo sina Rivera at Garcia sa Double 8 Kam­bingan sa Annapolis St.

Pero inabangan pala ng mga suspek ang bik­tima sa labas kinalaunan at dinaluhong ng una ang huli. (Ricky Tulipat)

Show comments