^

Metro

Sunog sa Tondo: Mag-asawa patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bunga ng suffocation, na­sawi ang isang mag-asawa, habang ang da­lawang anak nila ay isi­nugod din sa pa­ga­mutan matapos ma­sunog ang ka­nilang tahanan habang natu­tulog kama­kalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Johnny Chua at may­bahay na si Janette na patay rin bago pa umabot sa Mary Johnston Hospital. Inoobserbahan na­ man sa Metropolitan Hospital ang kanilang mga anak na sina Justine, 11, at Jasper­, 9.

Sa ulat ni FO3 Em­manuel Gaspar ng Manila Fire Bu­reau, dakong alas-11 ng gabi nang mag­simula ang sunog sa ika-6 na pa­lapag ng Bail­wick Mar­keting Bldg. na nasa #643 Favia St., Tondo, Maynila.

Nabatid na mahimbing na natutulog ang pamilya nang sumik­lab ang apoy sa ika-6 na palapag kung saan naka­imbak umano ang kanilang negos­yong garment na nag­labas umano ng makapal na usok nang ma­sunog ang mga tela. Hindi umano na­ma­layan ng pamilya Chua ang naga­ganap at mga kapitbahay nila na naka­pansin sa sunog at agad na tumawag ng bum­bero.

Habang inaapula ang sunog ay nire-rescue na­man ang pa­milya na pina­ni­ni­wala­ang na-trap gamit ang fire truck ladder dahil mataas umano ang gusali na kinala­lag­yan ng bodega at silid ng pamilya Chua.

Nailabas naman ang mag-anak na walang mga malay subalit hindi na nailigtas ang mag-asawa.

Umabot lamang ng ika-2 alarma ang sunog na idinekla­rang fire-out da­kong alas-2 ng ma­daling-araw.

Pinaniniwalaang short cir­cuit ang dahilan ng su­nog na nagmula sa bodega ng gar­ment. Hindi pa natu­tukoy kung  mag­kanong halaga ang na­pinsala ng sunog.

CHUA

FAVIA ST.

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JOHNNY CHUA

MANILA FIRE BU

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

METROPOLITAN HOSPITAL

SHY

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with