^

Metro

Pari dinakip sa panloloko

-

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Manila City Hall-District Special Police Unit (MCH-DSPU) sa isang entrapment ang isang nag­papakilalang “Chaplain” ng PNP matapos ireklamo ng isang negosyante dahil sa pagsa­sanla ng pekeng titulo ng lupa sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakadetine ngayon sa MCH-DSPU ang suspect na si Eric Martin, 39, at residente ng 2269 Samson St., Malabon City, matapos ireklamo ng biktimang si Rosario Conde, 56, ng Anti­polo St., Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa reklamo ni Conde, isinanla umano ng suspect sa halagang P75,000 ang titulo ng kanyang lupa sa Malabon noong Abril 8, 2009. Gayun­man, noong Abril 21,2009 ay muling lumapit sa kanya ang suspek at humingi ng karag­dagang P75,000 para sa kan­yang lupang isinangla.

Nagduda umano ang bik­tima kaya pinabalik niya kinabu­kasan ang suspect, para kunin sa kanyang bahay ang ka­ragda­gang P75,000. Sinaman­tala ng biktima ang pagkaka­taon inutusan niya ang kan­yang anak na si Alan na iberi­pika ang titulo sa Malabon Re­gister of Deeds kung saan natuklasan nila na peke ang nabanggit na titulo ng lupa.

Sanhi nito, ka­agad na hu­mingi ng tulong ang biktima sa pulisya at isinagawa ang en­trapment operation kung saan timbog ang suspect.

Ayon sa biktima, nakuha ng suspect ang kanyang tiwala, dahil kilala itong isang pari sa Brgy. 349 Zone 35 at halos ling­gu-linggo ay nagsasagawa ng misa. Hindi naman sumagot ang suspect nang tanungin base na rin sa kanyang ID.

Nabatid na ina­alam na rin ng DSPU sa Ca­tho­lic Bishop Con­ference of the Philippines (CBCP) kung toto­ong pari ang suspect. (Doris Franche at Ludy Bermudo)


ABRIL

BISHOP CON

CRUZ

DORIS FRANCHE

ERIC MARTIN

LUDY BERMUDO

MALABON

MALABON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with