Totoy nagbigti, patay

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na bina­tilyo ang nagpakamatay sa pama­ma­gitan nang pagbibigti dahil sa umano’y pagka-des­perado sa pag-ibig sa lungsod ng Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Nakilala ang nasawi na si   Kim Yumol, estudyante, ng Block 9-10. Trinidad Village, Brgy. Talipapa sa lungsod.

Ayon sa ulat, si Yumol ay na­­­tagpuan na lamang na naka­­bitin ng kanilang katulong sa gawing itaas ng kanyang double deck na higaan gamit ang belt sus­pender ganap na alas-6:30 ng umaga

Ayon sa ulat, posibleng ginawa ni Yumol ang insi­dente habang mahimbing na natu­tulog ang kanyang ka­pamilya.

Sinasabing ang kawalan ng nagmamahal ang nagdulot sa biktima para maging des­perado at nagtulak na rin para tapusin nito ang kanyang buhay.

Magkagayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awto­ridad upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagpapa­kamatay ng biktima o kung may naganap na foul play. (Ricky Tulipat)


Show comments