^

Metro

NAG-BREAKDOWN SA CREMATION NI TRINA, Ted ibig na ring mag-suicide

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Napahagulgol kahapon ang sikat na brodkaster na si Ted Failon sa cremation rite ng kanyang kabiyak na si Trina sa Arlington Memorial Chapels at sinabing ang pagkitil sa sariling buhay marahil ang madaling pa­ raan para lusutan ang problema.

Hindi napigilan ni Ted ang mag-breakdown sa harap ng may 90 katao na kinabibilangan lamang ng mga kamag-anak at kaibigan na pinahintulutang makadalo sa service.

Sa kanyang pagsasalita , ibinulalas ni Ted ang kanyang nadaramang kalungkutan at frustration sa conflicts sa ka­nilang pamilya.

Binanggit din nito na alam niyang may ilang kamag-anak ang kanyang asawa na hindi siya nagugustuhan, lalo pa nga noong sila ay magpakasal.

 “Alam ko po, simula’t sapul, mayroon pong ayaw po sa akin. Kaya nga po namatay na po ang Nanay ko at ang kanyang biyenan na hindi ho nag-uusap. Mabigat na po ang pinag­daanan ng aming mga pamilya. Ngayon pong panahong ito, pupuwede ho bang, sabi nga ni Kaye, nang dahil po kay Trina, puwede ho bang maayos na po natin ito?” pahayag pa ng broadcaster.

“Alam ko po, simula’t sapul, sa dami po ninyo, mayroon po diyang, hindi pa rin po tanggap na yoon pong nilalait-lait ninyo dati ay eto po, katuwang si Trina, na tumutulong pa ho sa inyo,” dagdag pa nito.

“Sobra ho itong pinag­dadaanan ng aming pamilya ngayon. Isa man sa inyo ang magsabi na may duda kayo sa pangyayaring ito, isa lang po ang magsabi sa inyo, sasakyan po at sasakyan ng lahat ng galit sa akin,” pagpapatuloy pa nito.

Binanggit din ni Failon na madalas sabihin sa kanya ng asawa na napaka-suwerte niya (Trina) dahil kahit hindi siya nakatapos ng kolehiyo ay natulungan pa rin niya kanyang mga kapatid na makapagtapos dahil kay Ted.

Sinabi pa ni Ted na na­nga­ngamba siya kung paano niya palalakihin ang kanilang bun­song si Karishma katulad ng ginawang pagpapalaki ni Trina sa kanilang panganay na si Kaye.

“Ang tanong po ni Karishma: ano na po ang mangyayari pagkatapos nito? Kung gusto po ninyo, at kaya po ninyong palakihin si Karishma...dahil pag umuuwi ako ngayon sa bahay ko, lalo na ho pag nagiisa ko, minsan po iniisip e, ito na po yata yung pinakamabilis na solusyon sa problema ngayon. Magbabaril ako sa ulo ko, kayo na po magpalaki kay Karishma. Alam ko pong masakit ang pangyayaring ito na nangyari po kay Trina, pero mas masakit po sa akin ito. Ako pa ho ang nagdala sa kanya sa ospital, kasama si Pamela,”pahayag pa nito kasunod ang paghagulgol.

Maging si Kaye ay nana­wagan na rin ng pagkakasundo sa pamilya.

“Even in death, naging selfless si Mama. Ginamit niyang instrumento ang sarili niya para once and for all, ma-settle na nating ang mga differences natin sa isa’t isa. Ginawa niyang instrumento ang sarili niya para ma-realize natin na kailangang magmahalan tayo. We have to forgive each other, kung ano man ang nangyari, kung ano man ang mga nasabi at nagawa in the past, sana po, wag natin siyang sisihin sa mga nangyari. Instead, humingi po tayo ng tawad sa kanya, sa lahat ng mga maling nagawa natin sa kanya.”

Sa kanya pa ring pagsa­salita, inalala ni Ted kung paano sila unang nagkita ng kanyang misis dalawang taon na ang nakakalipas.

“Meron akong speech sa isang class, at napansin ko, merong isang first year college na tingin nang tingin sa kin. Binigyan ko siya kaagad ng isang rose. Pure and simple, ganoon ko po siya nakilala,” , pahayag ni Ted.

Doon na umano nagsimula ang maganda nilang pagtitingi­nan na nauwi sa kasalan.

Samantala, matapos ang eurology ay isasailalim sa cremation ang labi ni Trina kung saan ang abo nito ay iuuwi sa kanilang tahanan.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na deklarasyon ang mga awtoridad na may hawak sa kaso ni Trina kung ito ay insidente ng suicide o foul play.

Nauna nang nagpahayag ang dalawang forensic experts na kinuha ni Failon na ang insidente ay suicide base sa kanilang pagsisiyasat.

Ang National Bureau of Investigation ang siyang inatasan na magsagawa ng imbesti­gasyon mula sa Quezon City Police District. 

ALAM

ANG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ARLINGTON MEMORIAL CHAPELS

BINANGGIT

FAILON

KARISHMA

SHY

TRINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with