^

Metro

Police investigators sasailalim sa refresher course

-

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni Philippine National Police (PNP ) chief Director Ge­neral Jesus Verzosa ang pagsailalim sa refresher course ng lahat ng mga im­bestigador na nagsi­siyasat sa mga sensiti­bong krimen matapos ang kon­tro­bersya sa pagka­matay ng may­bahay ni ABS-CBN anchor­man Ted Failon.

Ang hakbang ay gi­nawa ni Verzosa matapos na ulanin ng samut-saring espekulasyon ang isina­sa­­gawang imbesti­gasyon at aksyon ng Quezon City Police District na pangu­nahing nagsiyasat sa kaso ng sinasabing pag­papaka­matay ni Trina Etong.

Kasabay nito, agad namang nagpalabas ng memorandum order si Director Raul Bacalzo, PNP Directorate for Inves­tigation and Detective Management (DIDM) sa lahat ng PNP Regional Offices sa buong bansa para isailalim sa refresher course ang mga elemento ng pulisya na nagsasa­gawa ng imbestigasyon sa mga krimen.

Nauna rito nagpaha­yag ng pagkadismaya si DILG Secretary Ronaldo Puno sa marahas na pag-aresto ng mga miyembro ng Quezon City Police sa bayaw at hipag ni Ted Failon na sina Pamela at Maximo Arteche sa New Era Hospital noong Abril 16 ng gabi kung saan nagka­roon ng komosyon.

Nauna nang inaresto ng pulisya ang driver ni Ted na si Glenn Ponan; house­boy na si Pacifino Apacible, mga katulong na sina Carlota Morbos at Wilfreda Bollicer.

Ang mga ito ka­sama si Failon at Pamela ay na­ha­harap sa kasong obs­truction of justice bu­nga ng paglilinis sa crime scene habang assault upon a person in authority laban naman kay Ma­ximo. (Joy Cantos)

vuukle comment

CARLOTA MORBOS

DETECTIVE MANAGEMENT

DIRECTOR GE

DIRECTOR RAUL BACALZO

GLENN PONAN

JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

MAXIMO ARTECHE

SHY

TED FAILON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with