Quezon City police ipinagtanggol ni Gonzalez
MANILA, Philippines - Nangangamba si Justice Secretary Raul Gonzalez na dahil sa demoralisado ang mga pulis sa kaso ng pagkamatay ng asawa ni Ted Failon ay hindi na humawak pa ng mga malalaki at sensitibong kaso ang kapulisan. Sinabi ng Kalihim na,dahil sa nabuweltahan pa ang mga pulis QCPD at nasuspinde sa serbisyo kaya’t maaring matakot na rin ang iba pang pulis.
Ayon sa kalihim, hindi maganda ang naturang pangyayari dahil sa halip na sumentro ang imbestigasyon sa aspetong kriminal ng pagkamatay kay Trinidad Etong ay mga pulis pa ngayon ang nadidikdik sa kaso. Dapat umano ang sinisiyasat ngayon ay kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng asawa ni Failon o kung ang biktima ay nagpakamatay at hindi ang mga pulis na gumaganap sa kanilang responsibilidad ang tinitira. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending