Anang forensic expert, Trina nag-suicide

MANILA, Philippines - Suicide.

Ito ang halos re­ sulta ng isinagawang pag­su­­suri ng isang priba­dong forensic pathologist ka­ugnay ng pag­kama­tay ni Tri­ni­dad Etong, misis ni ABS-CBN anchor Ted Tailon.

Sinabi ni Dr. Ra­quel Fortun sa isang press conference na luma­labas sa isina­gawa niyang aw­top­siya sa sugat ni Trina na “si­nadya” ang pag­ka­ka­baril sa ulo nito.

Aniya, ginawa niya ang pagsusuri upang ma­laman kung paano na­patay si Trina at hindi ang dahilan nito, lalo pa ang tama ng bala ng baril sa kan­yang ulo ay malapitan lang kung saan ito ay karaniwan sa mga kaso ng “suicide”.

“Mas malapit ang kaso sa pagpapaka­ma­tay kumpara sa ano pa mang nang­yari,” ani pa ni Fortun.

Personal na kinuha ng pamilya ni ABS-CBN broadcaster Ted Failon ang serbisyo ni Fortun upang magsa­gawa ng hiwalay na awtopsiya sa bangkay ni Trina.

Show comments