Hired killer todas sa barangay chairman

MANILA, Philippines - Kapwa kritikal ang isang barangay chairman at anak nito, habang patay naman ang sinasabing hired killer nang makaganti ang una makaraan pagba­barilin ng huli malapit sa barangay hall sa Caloocan City kahapon ng umaga. Kapwa inoobserbahan sa Manila Central University hospital sanhi ng tama ng bala sa tiyan si Walter Abel, 44, chairman ng Brgy, 90 ng lungsod habang sa kanan pisngi naman ang tama ng anak nitong si James, 14.

Namatay naman sa pagamutan sanhi ng tama ng bala sa dibdib ang sus­pek na nakilala sa panga­lang Noel Castillo,   habang nakatakas ang hindi pa nakikilalang kasama nito sakay ng isang motor­siklo.Ayon sa ulat, alas-11:30 ng umaga, naglala­kad ang mag-ama malapit sa kanilang baran­gay hall sa 11th Avenue, ng lung­sod na ito nang lapitan at putukan si Walter.

Nang makitang bu­mag­­sak ang ama ay huma­­­rang si James na naging dahilan upang tamaan ito ng bala kung saan nakabunot ng baril si Walter at nakaganti rin ng putok. Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan sa politika o sa pagiging contractor ni Walter ang motibo sa isinagawang pamamaril ng mga suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments