Pekeng dentist, 1 pa arestado

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kaso ng Eastern Police Dis­trict (EPD) sa Pasig City Pro­ secutor’s Office ang isang pekeng dentista at ka­sabwat nito na nadakip sa isang entrapment ope­ra­tion dahil sa panloloko sa mga kustomer nito, sa Pasig City. Kasong “illegal practice of dentistry” o Re­public Act 9484 ang isi­nampa laban sa suspek na si Gerardo Salandanan, 44, ng M.H. del Pilar St., Purok Rosal, Brgy. Pinag­buhatan at ang kasabwat nitong si Myra Apolnio, 39, manikurista, ng Centennial II, Brgy. Nag­payong, natu­rang lungsod.

Ayon sa ulat, humingi ng tulong sa pulisya si re­tired Col. Reynaldo Garcia, miyembro ng Philippine Dental Association at Dr. Arleen Reyes, ng Pasig-Pa­teros-Taguig Dental Chap­ter kung saan iniulat ng mga ito ang iligal na pagpapraktis na dentista ni Salanda­nan. Isang grupo ang binuo ng pulisya   kung saan nagsa­gawa ng en­trap­ment operation. Dina­kip ang mga sus­pek da­kong alas-5:15 kama­ka­lawa ng hapon sa bahay ni Salandanan na ginawa nitong klinika kung saan isa sa mga pulis ang nag­panggap na pasyente. Na­tuklasan sa operasyon na walang “Certificate of Re­gistration” at Profes­sional Identification Card buhat sa Philippine Regu­la­tion Commission (PRC).

Narekober sa naturang klinika ang iba’t ibang den­tal instrument, mga pus­tiso at iba pang gamit ng isang dentista. (Danilo Garcia)

Show comments