^

Metro

ISAFP agent niratrat, todas

-

MANILA, Philippines - Isang agent ng Intel­ligence Service of the Armed Forces of the Philip­pines (ISAFP)ang nasawi matapos itong tambangan ng tatlong hindi pa naki­kilalang mga lalaki na nag­kunwaring pasahero ha­bang nama­ masada ng tri­cycle ang una sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot san­hi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Maximo Simbala, 45, ng Phase 7B, Block 29, Pack­age 6, Brgy. 176, Bagong Silang ng lungsod na ito.

Patuloy namang pinag­­­ ha­­hanap ng pulisya ang mga tumakas na suspects.

Base sa inisyal na re­port, alas-5 ng umaga, nag-aabang ng pasahero ang biktima sa terminal ng tricycle sa Macopa Road, Malaria ng nabanggit na lungsod nang dumating ang mga suspek at luma­ pit sa kanya.

Inakala naman ni Sim­bala na mga pasahero kung kaya pumuwesto na siya sa kanyang tricycle su­balit bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga suspek bago tumakas.

Iniimbestigahan na ng mga pulis kung may ki­nala­man sa trabaho ng biktima ang dahilan ng nasabing insidente. (Lor­deth Bonilla)


vuukle comment

BAGONG SILANG

BONILLA

BRGY

CALOOCAN CITY

INAKALA

MACOPA ROAD

MAXIMO SIMBALA

SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with