Eroplano, nagliyab sa NAIA

MANILA, Philippines - Isang Cessna ambu­lance plane ang umusok at umapoy matapos na pu­mu­tok ang gulong nito habang pa-take-off sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sanhi nang pagtigil ng operasyon ng paliparan kamakalawa ng gabi.

Sa report na tinanggap ni Manila International Airport Authority General Manager Al Cusi, alas-8:15 ng gabi nang sumabog ang kaliwang landing gear ng IAIA-112A Westwind II aircraft na may Registry number N911GU sakay ng pilotong si Capt. Charles Kenward Cooper, co-pilot Tosihiro Shima at dala­wang crew habang tuma­takbo ang nasabing cita­tion jet sa runway 24 ng NAIA paalis patungong Won Pat International Airport sa Guam.

Bago ang insidente, ang naturang eroplano ay nagbaba ng may sakit na pasyente sa Manila mula Guam kasama ang mga nurses na sina Eunice Neil at Mathew Keith.

Dahil sa biglang pagsa­bog ng gulong ay naglikha ito ng matinding usok at umapoy ang landing gear ng eroplano. Mabilis na­mang rumesponde ang MIAA rescue team sa run­way at napatay ang apoy matapos na mahira­pan ang mga crew na ma­apula ito sa pamamagitan ng ka­nilang fire extinguiser. Ma­bilis na nailigtas ang apat na sakay ng jet at wa­lang nasugatan sa in­sidente.

Dahil sa pagbara sa runway ng nasabing erop­lano ay naapektuhan ang operasyon ng NAIA Ter­minal 1, Centennial Termi­nal 2 at NAIA 3 sanhi upang matigil ang operas­yon at ma-divert ang may 12 international at local flights sa Diosdado Maca­pagal International Airport (DMIA) sa Clark, Pam­panga. Dakong alas-11 na ng gabi kamakalawa nang bumalik sa normal na ope­rasyon ang NAIA. (Ellen Fernando)


Show comments