^

Metro

3D animation kay Trina balak

- Edu Punay, Marvin Sy -

MANILA, Philippines - Gagamit na rin ng 3D (three dimensional) animation ang Quezon City Police District sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Trinidad Etong na asawa ni ABS-CBN broadcaster Ted Failon.

Ito ang nabatid kahapon kay QCPD Director Senior Superintendent Elmo San Diego na nagsabing ang 3D animation ay isang investigation tool na makakatulong para maisalarawan ang aktuwal na naganap sa loob ng bahay nina Failon at Etong sa Tierra Pura, Que­zon City noong Miyerkules ng umaga.

Natagpuan si Etong na may tama ng bala ng baril sa ulo sa loob ng banyo ng isa sa mga silid ng bahay ng mag-asawa. Nalagutan ng hini­hinga ang biktima ha­bang ginagamot sa New Era Hos­pital noong Huwebes ng gabi.

“Gagawa kami ng isang 3D animation ng crime scene,” sabi ni San Diego sa isang panayam.

Idinagdag niya na pag­babasihan ng animation ang mga pahayag ni Failon at ng mga katulong nito sa bahay na sina Carlota Mor­bos at Pacifico Apacible at driver na si Glenn Polan. Kokon­sultahin din ang resulta ng pagsisiyasat ng scene of the crime operatives ng QCPD at ng crime laboratory.

Takda ring ipatawag, iimbestigahan at ipapailalim sa polygraph tests ng National Bureau of Investigation sina Polan, Apacible, Morbos at ang yaya na si Wilfredo Bollester.

Sinabi ni NBI-Special Task Force Chief Arnel Dalumpines na nais nilang malaman kung bakit talaga nilinis ang banyong kina­tagpuan sa biktima bago pa man ito napuntahan ng mga imbestigador.

Samantala, nilinaw ni San Diego na, kahit napa­tuna­ yang nagpatiwakal si Etong, mahaharap pa rin sa kasong obstruction of justice sina Failon at mga kasam­bahay nito bunga ng ginawa nilang paglilinis sa crime scene.

Tinitignan ng pulsya sa kasalukuyan ang posibleng anggulong suicide sa pa­mamagitan ng trajectory bullet na tumama sa ulo ng misis ni Failon.

Ayon kay San Diego, iba ang aspeto ng nasabing kaso dahil dito ay makikita na tunay na may nilabag sina Failon at mga kasam­bahay sa pamamagitan ng kusang pagtanggal sa mga ebidensyang dapat sana ay magbibigay linaw sa tunay na pangyayari.

ARNEL DALUMPINES

CARLOTA MOR

ETONG

FAILON

GLENN POLAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAN DIEGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with