MANILA, Philippines - Isang barangay tanod ang nasawi matapos na barilin sa leeg ng di nakikilalang salarin sa lungsod ng Quezon kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Jay Noble, 35, ng Brgy. Talipapa at residente sa M. Salazar St., Villa Florencia, Subdivision, Brgy. Talipapa.
Ayon sa ulat, ganap na alas-3:30 ng madaling- araw nang mangyari ang insidente sa may Morning Glory St., Delracia Village, ng nasabing barangay.
Bago nito, isang malakas na putok ng baril umano ang narinig mula dito hanggang sa matuklasan ni Joey Cruz, ang biktima na nakahandusay malapit sa kanyang motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente upang matukoy kung sino ang nasabing salarin at motibo sa papamaslang. (Ricky Tulipat)