^

Metro

Binata tinarget sa noo ng riding-in-tandem, todas

-

MANILA, Philippines - Butas ang noo ng isang binata na agad na ikinasawi nito matapos na pagbabarilin ng isa sa dalawang kalalakihang sakay ng isang motorsiklo   sa lungsod ng Quezon kama­kalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Adrelito Mariano, 26, ng Kabu­tihan St., Kalayaan-B, Brgy. Batasan Hills , Quezon City na agad na nasawi sanhi ng tina­mong dalawang tama ng bala ng baril sa noo. Pilit namang tinu­tukoy ng mga awtoridad ang pagkakaki­lanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pama­maril.

Base sa ulat, naganap ang   insidente, malapit sa bahay ng biktima habang ito ay nagla­lakad ganap na alas-5 ng hapon nang bigla na lamang sumulpot ang suspek sakay ng isang Honda XRM na hindi naplaka­han at pagtapat sa biktima ay pinaputukan ito ng isa sa mga suspek ng dalawang sunod.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi mabatid na direksyon at naiwang nakahan­dusay ang biktima. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ADRELITO

BATASAN HILLS

BRGY

BUTAS

KABU

KALAYAAN-B

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with