^

Metro

Taga-nguso ng kidnap-for-ransom, arestado

-

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga tauhan ng Quezon City Police ang isang miyembro ng kidnap-for-ransom group sa isinaga­wang operas­yon sa lungsod kama­kalawa.

Kinilala ni Senior Supt. Elmo San Diego, district director ng QCPD ang suspek na si Paul Clores, gumagamit din ng mga alyas na Poly at Apo­lonio at may kasong kidnap-for-ransom sa Tarlac.

Ayon kay San Diego, si Clores ang pangunahing taga-nguso o tagapagturo sa ka­nilang grupo kung sino ang kanilang magiging target na bibiktimahin sa pamamagitan ng pagpapang­gap na laborer ang isang construction worker.

Napag-alaman pa na ang grupo ng nadakip ay respon­sable sa pangingidnap sa mga negosyanteng Indian nationals sa northern part ng Luzon par­tikular sa Tarlac, Bayombong Nueva Vizcaya at maging sa Calabarzon.

Nadakip ang suspek ga­nap na alas-4 ng hapon sa may Veterans Hospital na ma­ta­tagpuan sa North Avenue, sa lungsod.

Sinasabing bilang laborer ay nagmamanman si Clores sa po­sibleng maging bik­tima na ma­dalas na duma­dalaw sa na­sabing ospital.

Tinangka pang tumakas ni Clores nang makita ang mga operatiba, ngunit agad din itong nasakote ng mga awtoridad. (Ricky Tulipat)

BAYOMBONG NUEVA VIZCAYA

CLORES

ELMO SAN DIEGO

NORTH AVENUE

PAUL CLORES

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SAN DIEGO

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with