Koreano timbog sa pekeng passport

MANILA, Philippines - Naaresto ng Bureau of Im­migration (BI) ang isang Korean national dahil sa tangkang paggamit ng pekeng Philippine Pass­port sa pag-alis nito sa bansa.

Si Jung Hwan Kim ay inaresto ng mga tauhan ng Migration Compliance and Monitoring Group (MCMG) ng BI terminal 1 ng Ninoy Aquino International Air­port (NAIA).

Nabatid na tinangka ng dayuhan na gamitin ang pasaporte na inisyu sa isang Ernesto Perez Tan.  

Nabatid na habang sinusuri ang kagamitan ng inarestong dayuhan, na­kita ng mga immigration agents ang lisensya ni Kim mula sa Papua New Guinea. Napatunayan ding authentic ang nasabing pasaporte na may larawan mismo ni Kim.

Sa isinagawang imbes­tigasyon, inamin din ni Kim na peke nga ang gamit niyang Philippine Pass­port. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments