Konduktor lasog sa truck

MANILA, Philippines - Patay ang isang kon­duktor ng bus makaraang mabundol ito ng isang ru­ma­ragasang truck habang papatawid sa isang inter­section sa lungsod Que­zon kamakalawa. Nakilala ang nasawi na si   Federico Gorion, 38, ng Aquarius St., Taytay, Rizal.

Hawak naman ng mga awtoridad ang driver ng truck na si Vicente Martin Jr., 33, at nakatira sa Sitio Crusher, Bigte Norzagaray, Bulacan. Naganap ang in­sidente sa may inter­section ng Mindanao Ave. Ext., Don Mariano Ave. Brgy. Pasong Putik Q.C., dakong alas-2 ng hapon.

Sinasabing papatawid ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumul­pot ang isang Isuzu cargo truck (REE-462) na mina­maneho ni Martin, galing sa Mindanao Avenue. at big­lang tumbukin nito ang una. Sa lakas ng impact ay tu­milapon ang biktima hang­­gang sa bumagsak sa se­mento dahilan upang mag­ka­lasug-lasog ang bu­ong katawan nito. (Ricky Tulipat)

Show comments