^

Metro

Birthday boy timbog sa pagkatay sa 2 aso

-

MANILA, Philippines - Bigo ang 38-anyos na obrero na maipagdiwang ang kanyang kaarawan nang ipaaresto siya ng mga kapit­bahay dahil sa pagkatay sa dalawang aso para gawing pulutan, sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8485 (Animal Welfare Act of 1998) ang suspek na si Ernesto Labor, binata, ng Nuñez St., Sta. Ana, Maynila

Sa ulat ni PO3 Dominic De Jesus ng Manila Police District-Station 6, dakong  ala-1 ng hapon, noong Linggo  nang arestuhin ang suspek sa Nuñez St. Sta Ana, Maynila. Bago ang pagdakip, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya hinggil sa kina­katay na dalawang aso sa kanilang lugar.

Nang rumesponde ang mga pulis, mabilis na nag­pulasan ang mga kalalakihang kumakatay ng aso at tanging naabutan ang suspek na noo’y tinatakpan umano ng plywood ang dalawang aso na kanilang kina­katay. Katwiran ng suspek, gusto lamang niyang mag­­ka­roon ng pulutan sa pagdiriwang ng kaarawan. (Ludy Bermudo)


ANIMAL WELFARE ACT

BIGO

DOMINIC DE JESUS

ERNESTO LABOR

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

SHY

ST. STA ANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with