Bebot niratrat

MANILA, Philippines - Isang babae ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nasa labas ng kanilang bahay sa Malabon City kahapon.

Patay na nang maisugod sa Pagamutang Lung­sod ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Michelle Cervito, 29, ng Block 13, Brgy. Longos ng lunsod na ito.

Sinabi ng live-in partner ni Cervito na si Danilo Rivera na nasa labas ng kanilang bahay ang biktima nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril. Nang lumabas si Rivera ay nakita na lamang niyang nakahandusay ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa nasabing insidente at kung sino ang salarin. (Lordeth Bonilla)

Show comments