^

Metro

Kawani sugatan sa holdap

-

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang ka­wani at natangayan pa ng malaking halaga matapos na manlaban sa apat na holdaper kahapon sa Ma­labon City.

Inoobserbahan sa Manila Central University hospital sanhi ng tama ng baril sa kanang tenga si Edilberto Raquinta, ng Supertraders Shellane Corp., na mata­tagpuan sa C-3 Road, Ca­loocan City. Batay sa inisyal na report ng pulisya, alas-11 ng umaga, sakay ang bik­tima ng isang owner type jeep at magdedeposito ng P500,000 sa isang bangko sa Malabon City.

Pagsapit sa Manapat St., Brgy. Tañong ay sumulpot ang apat na hindi pa na­ki­kilalang lalaki, na sakay ng dalawang motorsiklo kung saan hinarang ang biktima. Nang pumalag ang biktima ay binaril ito ng isa sa mga suspek bago kinuha dito ang nabanggit na ha­laga bago tuluyang nagsi­takas. (Lor­deth Bonilla)


vuukle comment

BATAY

BONILLA

BRGY

EDILBERTO RAQUINTA

MALABON CITY

MANAPAT ST.

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

SHY

SUPERTRADERS SHELLANE CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with