^

Metro

Pulis-Pasay nag-amok, kapitbahay kritikal

-

MANILA, Philippines - Target ngayon ng manhunt operation ang isang pulis-Pasay na unang nag-amok at namaril   kung saan nasa kritikal na kondisyon ang binaril niyang kapit­bahay kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Habang isinusulat ang balitang ito, kahapon ng tang­hali ay patuloy na naki­kipaglaban kay kamatayan sa San Juan de Dios Hospital bunga ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Carmelito Castro alyas “Lucky”, 42 at residente ng Teachers Bliss, Kalayaan Village, nabanggit na lungsod.

Tinutugis naman ngayon ng kanyang mga “kabaro” si PO3 Mateo Villasis, naka­talaga sa Pasay-PNP at kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas dala ang .45 kalibre ng baril na gina­mit nito sa insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 kahapon ng umaga nang mangyari ang naturang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima kung saan unang sumugod ang suspect na armado ng nasabing baril.

Sa pahayag naman ng saksi na si Ma. Theresa Rico, 47, residente rin ng na­sabing lugar, unang na­aburido umano ang suspect nang magtayo ng extension sa kanilang bahay ang bik­tima na sumakop sa bahay ng pulis.

Pinagsabihan na umano ng suspect ang biktima na huwag nang gumawa ng extension sa kanilang bahay dahil labis na makakaabala ito sa kanilang lugar.

Bagama’t inabisuhan na umano ng suspect, nagpilit pa rin ang biktima na gu­mawa ng extension na labis na ikinainis ng una na na­ging dahilan upang mag­wala ito at pagbarilin ang huli.   (Rose Tamayo-Tesoro)


vuukle comment

CARMELITO CASTRO

DIOS HOSPITAL

KALAYAAN VILLAGE

MATEO VILLASIS

PASAY

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN JUAN

SHY

TEACHERS BLISS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with