^

Metro

Hold departure order inilabas laban sa nakasagasa sa Ateneo pupil

-

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng hold departure order (HDO) ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban sa suspek na nakabundol sa 10-taon gulang na estud­yante ng Ateneo de Manila noong nakaraang Pebrero.

Nag-isyu ng kautusan si QCRTC Branch 107 Judge Rosalina Pison para kay Ma. Theresa Torres-Laqui na nahaharap ngayon sa kasong reckless impru­dence resulting to homi­cide at serious physical in­juries. Nakasuhan si Laqui bunsod ng pagkakasa­gasa nito kay Julian Carlo Miguel “Amiel” Alcantara noong Pebrero 24 na nag­resulta sa maagang pag­kamatay ng biktima at ma­lubhang pagkakasugat sa kapatid nitong si Jana at yaya na si Tomasa “Tata” Suarez.

Sinabi naman ni Atty. Roland Villones, abogado ni Laqui, na hindi gagawa ng anumang hakbang ang kanilang kampo upang harangin ang mosyon ng pamilya ng biktima dahil wala umanong planong lumabas ng bansa ang sus­pect upang takasan ang kasong isinampa laban sa kanya.

Nakatakdang basahan ng kaso ang suspect sa May 29. Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na posibleng aksi­denteng natapakan ni Laqui ang silinyador imbes na preno kung kaya ruma­gasa ang kanyang sasak­yan at nabangga ang tatlong biktima.

Naipit si Amiel sa pa­gitan ng sasakyan ni Laqui at ng isang Honda CRV. (Angie dela Cruz)

AMIEL

ANGIE

JUDGE ROSALINA PISON

JULIAN CARLO MIGUEL

LAQUI

PEBRERO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ROLAND VILLONES

SHY

THERESA TORRES-LAQUI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with