^

Metro

16-taon kulong sa 2 sa 'Pasig shabu tiangge'

-

MANILA, Philippines - Hinatulan kahapon ng Pasig City Regional Trial Court ng   hanggang 16-taong pagkakakulong ang dalawang lalaki na kasa­mang nadakip sa loob ng sikat na “Pasig shabu tiangge” noong 2006.

Sa 14-na pahinang de­sis­yon ni Judge Librado Correa, ng RTC Branch 164, pinatawan nito ng 12 hang­gang 16 na taong pagkakulong sina Norman Pedrogaza at Ringo Ne­sortado dahil sa paglabag sa Section 7 ng Republic Act 9165 o Compre­hen­sive Dangerous Drugs Act of 2002. Pinagbabayad din ang dalawa ng tig-P100,000 danyos.

Sa ilalim ng Section 7 ng naturang batas, sinumang mahuhuli sa akto sa loob ng isang napatunayang drug den ay may katumbas na parusang pagkakulong ng hanggang 20 taon at multang hanggang P500,000.

Pinawalang-sala na­man ng korte si Pedrogaza at ikatlong akusado na si Yusop Palao sa kasong pama­mahala ng drug den matapos na hindi mapatu­nayan ng pulisya na ang mga ito nga ang may-ari ng isa sa drug den sa natu­rang shabu tiangge sa may F. Soriano St., Brgy. Palatiw, Pasig City.

Matatandaan na sina­lakay ng mga tauhan ng PNP-Anti-Illegal Drugs Spe­cial Operations Task Force   ang naturang sha­bu tiangge noong Pebrero 10, 2006 kung saan nadis­kubre ang sari-saring mga barung-barong na mistu­lang ginawang tiangge na dito malayang nakakabili ng iligal na droga at naka­kagamit sa mga drug den ang mga bumibisita dito. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DRUGS ACT

DRUGS SPE

JUDGE LIBRADO CORREA

NORMAN PEDROGAZA

OPERATIONS TASK FORCE

PASIG CITY

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with