^

Metro

Bigong masaker, 2 arestado

-

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos na mabigo ang umano’y tangkang pag­masaker ng mga ito sa isang pamilya dahil lamang sa awayan sa panabong na manok, kamakalawa ng gabi sa Manda­luyong City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Ricky de Castro, 24; at Dennis Olayvar, 26; kapwa residente ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong habang nakatakas naman ang umano’y kanilang lider na si Bok Pomeda.

Inoobserbahan naman ng mga mang­gagamot ng St. Martin de Porres Hospital dahil sa dalawang   saksak sa dibdib ang biktimang si Fortunato Bautista, 50, ng Block 31 Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills habang nasa ligtas na kala­gayan ang kanyang 27-anyos na anak na nadap­lisan ng saksak sa katawan.

Naganap ang insidente dakong alas -8:45 ng gabi habang nasa loob ng bahay ang pamilya Bautista. Nakarinig umano sila ng tawag sa labas kung saan hina­hanap si Fortunato at nang buksan nito ay sinalubong na agad ng dalawang saksak ng mga salarin.

Tinangka namang tumulong ng batang Bautista ngunit inundayan rin ito ng saksak kung saan masuwerteng nailagan nito sanhi upang madaplisan lamang ito. 

Natigil lamang ang pagsalakay ng tatlong salarin makaraang makalabas ng bahay ang ibang miyembro ng pamilya Bautista at magsisigaw ng saklolo sa mga kapitbahay. Agad na nagsitakas ang tatlo ngunit nasakote ng mga   barangay tanod sina De Castro at Olayvar.

Sa loob ng presinto, sinabi ng dalawa na isang Pomeda umano ang sumaksak sa mag-ama kung saan isinama lamang sila nito. Ito umano ang may galit sa ma­tandang Bautista dahil sa pagtanggi nito na ipahiram ang kanyang alagang sasabu­nging manok. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ADDITION HILLS

BAUTISTA

BOK POMEDA

BRGY

DANILO GARCIA

DE CASTRO

DENNIS OLAYVAR

FORTUNATO BAUTISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with