^

Metro

Obrero nagselos sa parak, natodas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines – Patay ang isang obrero makaraang pagbabarilin ng isang pulis sa isang kum­prontasyon makaraang tangkaing bawiin ng biktima ang kanyang dating ka-live-in na babae na nasulot sa kanya, kama­kalawa ng hapon sa Malabon City.

Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng biktimang si Tirso Olesco, 35, ng Brgy. Catmon, ng naturang lungsod.

Sumuko naman sa Malabon City Police ang suspek na kinilalang si PO2 Nel Carias, 29, nakatalaga sa Camp Crame, Quezon City at residente ng Libis Nadurata, Caloocan City .

Sa ulat ng pulisya, naganap ng kri­men dakong alas-3:15 ng hapon nang kum­prontahin ng biktima ang pulis ha­bang naglalakad ito sa may Dulong Hernandez Street kasama ang dating live-in partner na hindi na nabanggit ang pangalan.

Lango umano sa alak nang eskan­daluhin ng biktima ang dalawa kung saan pilit na binabawi ang babae na dati nitong kinakasama. Dito nagkaroon ng pagta­talo hanggang sa sinuntok ng biktima ang pulis na agad namang nag­ bunot ng baril at sunud-sunod na papu­tukan ang biktima.

Agad namang isinugod ng mga opis­yal ng barangay ang biktima sa Tondo Medical Center ngunit hindi na ito umabot ng buhay habang isinuko ng pulis ang sarili at ang baril nitong cal. 9mm pistol na ginamit sa pamamaril. Hindi naman mahagilap ang babaeng pinag-aawayan ng dalawa makaraang umalis nang mag­ka­barilan.

Nakadetine ngayon sa Malabon de­ten­tion cell ang pulis na nahaharap sa kasong homicide sa kabila ng katwiran nito na idinipensa lamang niya ang kan­yang sarili.

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

DULONG HERNANDEZ STREET

LIBIS NADURATA

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NEL CARIAS

QUEZON CITY

SHY

TIRSO OLESCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with