^

Metro

Bakasyunista itinumba

-

MANILA, Philippines - Hindi na nagawa ng isang inhinyero na maka­pagbakasyon kasama ang kanyang pamilya ngayong Mahal na Araw matapos na barilin sa ulo at mapatay ng isa sa dalawang salarin habang siya ay nagdi­diskarga ng kanyang mga kagamitan sa kotse para umalis sa lungsod ng Quezon kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si Benjamin Ferrer, 65, may-asawa, ng Barangay Greater Lagro Subdivision sa lungsod. Ayon sa ulat ni PO1 Hermogenes Capili, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may harap ng bahay ng biktima ganap na alas-5:00 ng hapon. Abala sa pag­ diskarga ng kanilang gamit ang biktima at pamilya nito sa kanyang puting Starex van bilang preparasyon sa kanilang pagbabakasyon sa Las Piñas nang biglang dumating ang isang pampa­saherong jeepney at agad na huminto sa tapat nito. Isa sa mga sakay ng jeepney ang agad na bumaba bitbit ang isang baril at nilapitan ang biktima saka pinaputukan ito sa ulo. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ABALA

ARAW

AYON

BARANGAY GREATER LAGRO SUBDIVISION

BENJAMIN FERRER

HERMOGENES CAPILI

ISA

KINILALA

LAS PI

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with