^

Metro

Nagtanggol sa GRO, pinatay

-

MANILA, Philippines - Isang mekaniko ang namatay nang pagba­barilin ng isa sa apat na kalalakihan makaraang ipagtanggol niya ang isang guest relation officer na binabastos ng mga suspek sa loob ng isang bar sa lungsod ng Quezon kahapon ng madaling araw.

Tatlong tama ng bala sa braso at dibdib ang sanhi upang agad na masawi ang biktimang si Christopher Senas, 38, may-asawa, empleyado sa isang printing press at tubong General Santos City.

Arestado naman ang dalawa sa mga suspek na sina Joden Nuñez, 28, binata, helper; at Jesse Gun-gon, 28, binata, hel­per; pawang mga resi­dente sa Nadela Compound, Manalaysay St., Barangay San Roque, Navotas CIty.

Pinaghahanap pa ang ibang suspek na sina Elmer de Jesus, alyas Anit; at Jay Ramo, alyas Agi na mabilis na nakatakas makaraan ang insidente.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ni PO2 Jocelyn Manalo, may-hawak ng kaso, nangyari ang insi­dente sa pangalawang palapag ng MNF KTV and Kitchenette sa lungsod ng Quezon dakong ala-1:00 ng madaling-araw.

Bago nito, nasa loob ng dressing room ng mga GROs ang biktima at nagpapahinga matapos makipag-inuman sa kan­yang nobyang si Leonor Duran nang pumasok dito ang isang alyas Jen at nagrereklamo na binastos ito ng mga suspek.

Nang marinig ito ng biktima ay agad itong lumabas ng dressing room at binalaan ang mga sus­pek. Ngunit hindi natinag ang mga suspek at, sa halip, galit na pinalagan nito ang biktima dahilan upang magbunot ito ng kanyang kalibre .45 baril at magpaputok sa ere.

Sa kabila nito hindi pa rin natakot ang mga sus­pek na lalo lamang nag-alimpuyo ang galit at sa­bay-sabay na inatake ang biktima na noon ay inaawat ng kanyang nobya at isang alyas Ni­cole at nagawang makuha ang baril nito ng suspek na si Nuñez at pinagbabaril ito. (Ricky Tulipat)

BARANGAY SAN ROQUE

CHRISTOPHER SENAS

GENERAL SANTOS CITY

JAY RAMO

JESSE GUN

JOCELYN MANALO

JODEN NU

LEONOR DURAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with