Holdaper bugbog-sarado sa taumbayan

MANILA, Philippines - Isang pedicab driver ang nilamog sa gulpi ng taum­ba­yam matapos nitong hol­dapin ang isang estudyante kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Mula sa ospital, sa bilang­guan idineretso ang suspek na si Gilbert Bonafe, 30, ng Don Carlos Village, Baclaran, Pasay City. Kung saan naka­takas naman ang kasabwat nito at inaalam pa ang pa­ngalan.

Kinilala naman ang bik­timang si Maria Alyanna De Leon, taga Green Heights Village, Sucat, Parañaque City. Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong alas-10:30 ng gabi sa LRT Station, Taft Avenue, Baclaran, Pasay City.

Habang naglalakad ang biktima, hindi nito namalayan ang paglapit ng mga suspek, tinutukan ito ng patalim sabay na nagdeklara ng holdap.

Nagsisigaw ang biktima, na nakatawag pansin sa taum­bayan na mabilis namang sinaklolohan ang bik­tima at pagtulung-tulungang gulpihin ang suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments