Holdaper bugbog-sarado sa taumbayan
MANILA, Philippines - Isang pedicab driver ang nilamog sa gulpi ng taumbayam matapos nitong holdapin ang isang estudyante kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Mula sa ospital, sa bilangguan idineretso ang suspek na si Gilbert Bonafe, 30, ng Don Carlos Village, Baclaran, Pasay City. Kung saan nakatakas naman ang kasabwat nito at inaalam pa ang pangalan.
Kinilala naman ang biktimang si Maria Alyanna De Leon, taga Green Heights Village, Sucat, Parañaque City. Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa LRT Station, Taft Avenue, Baclaran, Pasay City.
Habang naglalakad ang biktima, hindi nito namalayan ang paglapit ng mga suspek, tinutukan ito ng patalim sabay na nagdeklara ng holdap.
Nagsisigaw ang biktima, na nakatawag pansin sa taumbayan na mabilis namang sinaklolohan ang biktima at pagtulung-tulungang gulpihin ang suspect. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending