Subport sa Zambo, todo-bantay sa BI
MANILA, Philippines - Upang masiguro na walang dayuhang teroristang makakalusot papasok ng bansa, ipinag-utos na ng Bureau of Immigration (BI) ang higit na paghihigpit sa subport sa Zamboanga City.
Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Marcelino C. Libanan, lilikha sila ng comprehensive datebase para sa pag-beripika, imbestigasyon at pagpapakulong sa mga maituturing na undesirable aliens.
Layon aniya nito na matiyak na walang mga di kanais-nais na dayuhan ang madaling makakapasok sa bansa. Magsisilbi rin umanong babala ito para sa mga dayuhan na maghigpit ang ginagawang pagbabantay ng ahensya sa mga ports of entry sa bansa.
Batay sa mga unang napaulat, ang mga ports of entry sa South ang tinatarget ng mga dayuhan na nais makapasok ng ilegal sa bansa. Ginagamit din umano itong jump-off point para sa mga illegal Filipino workers na nais makapasok sa Indonesia.
Sinabi naman ni Libanan, na dahil sa lumalalang banta ng terorismo, droga at human trafficking sa bansa, ma halaga ang pagkakaroon ng maximum security sa lahat ng ports of entry. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending