Dahil sa sukli, pasahero sinaksak sa jeep

MANILA, Philippines - Matapos mag-angki­nan ng sukli mula sa pa­masaheng ibinayad sa jeep, isang lalaki ang si­nak­sak ng kapwa niya pa­sahero kahapon ng mada­ling-araw sa Navotas City.

Nasa kritikal na kon­disyon at inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rommel Ver­gara, 39, ng Naval St., Agora Market ng lungsod na ito.

Ayon sa ulat, alas-4 ng madaling-araw, kasakay ng bik­tima ang suspek sa isang pampasaherong jeep kung saan nagbayad ng P20 si Vergara.

Pagsapit sa Naval St., ay nagsukli ang driver ng P13 subalit inang­kin ito ng suspek na naging dahilan ng pagtatalo.

Nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsa­saksak ang bik­tima bago tumakas ha­bang dinala naman si Ver­gara sa na­banggit na pa­gamutan. (Lordeth Bonilla)

Show comments