^

Metro

Taas pasahe igigiit ng PISTON

-

MANILA, Philippines - Mapipilitan ang Pinag­ka­isang Samahan ng Tsu­per at Operators Nation­wide (PISTON) na humingi ng fare hike sa sandaling umalagwa pa sa mga su­sunod na araw ang presyo ng diesel.

Ayon kay George San Mateo, Secretary General ng PISTON, umabot na sa P2.80 kada litro ang itinaas ng diesel at P3.50 naman sa gasolina sa loob lamang ng 11 araw sa apat na be­ses na pagtataas na isina­gawa ng mga oil com­ panies.

Sanhi nito, tiniyak din ni San Mateo na hindi sila makakapayag sa anu­mang kahilingan na mag­ka­roon ng panibagong roll back sa presyo ng pasahe na nauna nang hinihilot na maibaba sa P6.

Pag-aaralan umano ng kanilang hanay kung mag­kano ang hihilingin nilang fare hike sa san­daling hindi magpa­awat ang mga oil companies sa pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Muling inakusahan ni San Mateo ang “Big 3”,na sinasamantala ang oil de­regulation law para siritin ang presyo ng langis kahit pa mababa ang presyo nito sa world market.

Iginiit din ni San Mateo na nakikipagsabwatan ang gobyerno sa Big 3 sa layuning maitaas muli ang E-VAT nito sa langis sa kabila ng lalong paghirap ng buhay ng mga tsuper at mamamayan sanhi ng global financial crisis. (Doris Franche at Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CRUZ

DORIS FRANCHE

GEORGE SAN MATEO

IGINIIT

OPERATORS NATION

SAN MATEO

SECRETARY GENERAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with