^

Metro

Mga sanggol na iniiwan sa ospital, dumarami

-

MANILA, Philippines - Naalarma ang pamu­nuan ng City Social welfare and Development sa luma­lalang kaso ng mga sang­gol na iniiwan ng kanilang mga ina matapos isilang sa mga ospital sa lungsod Quezon.

Ayon kay Katherine Rose Sotimayor, social wel­fare na sa kasaluku­yan tumataas umano ang bi­lang ng mga ina na nanga­nganak sa mga ospital par­tikular sa East Avenue Medical Center (EAMC) at pagkatapos ay basta na lamang inaaban­dona ang kanilang mga isinilang na sanggol.

Sinabi ni Sotimayor, par­­tikular dito ang mga kababaihang nasa gulang na 18 hanggang 20-anyos na basta na lamang uma­nong magtutungo sa ospital para manganak ng walang kasama.

Pangunahing tiniting­nan din ni Sotimayor na prob­­lema kung bakit ini­iwan ng kanilang ina ang sanggol ay kawalan ng perang panustos sa ospital at unwanted pregnancy.

“Kasi karamihan daw sa nagpupuntang manga­nga­nak lalo na yung mga nag-iiwan ng kanilang sang­gol ay mga walang kasamang asawa o ka­anak, kaya nakapagtataka naman gayong ang dapat sana na pumipirma sa admitting section ng ospital ay mga ama o asawa.”

Sa talaan ng CSWD, may 4 na sanggol sa loob lamang ng ilang buwan mula Oktubre 2008 hang­gang Pebrero 2009 ang inaban­dona ng kanilang ina sa EAMC, na ayon kay So­timayor ay lubha nang naka­kaalarma kung hindi kaagad bibigyan ng atensyon.

Ayon sa ulat, ang hu­ling biktima ng abandon­ment ay isang sanggol na babae na pinangalanang BB girl Guevarra na isini­lang ng kanyang inang nagpakilala sa pangalang Liezle Guevarra ng Gulod St., San Pedro, noong Peb­rero 28, 2009 sa na­sabing ospital.Matapos ang pagsilang ay agad na umalis ang nasabing ina at hindi na muli pang bumalik sa nasabing ospital para kunin ang kanyang sang­gol. (Ricky Tulipat)

AVENUE MEDICAL CENTER

AYON

CITY SOCIAL

GULOD ST.

KATHERINE ROSE SOTIMAYOR

LIEZLE GUEVARRA

OSPITAL

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with