Driver itinaling parang baboy, kinita, sapatos tangay sa holdap

MANILA, Philippines - Itinaling   parang baboy ang isang taxi driver   bago nilimas ang kinita sa buong maghapon at karnapin pa ang kanyang taxi ng dala­wang holdaper kamaka­lawa ng gabi sa lungsod ng Valenzuela.

Pati suot na sapatos ay tinangay sa biktimang si Dante Cana­res, 50, ng Pandacan, Manila. Sa­ man­tala, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga sus­pek.

Ayon sa ulat, alas-9 ng gabi ng naisakay ng bik­tima sa kanyang taxi (PWA-629) ang mga sus­pek sa SM North, Quezon City at nagpahatid sa Valenzuela City.

Bago dumating sa Fa­tima Medical Center sa MacArthur highway, Brgy. Marulas ng nabanggit na lungsod ay tinutukan ng baril ang biktima hanggang sa nagdeklara ng holdap at pinaliko nito ang taxi sa isang eskinita bago gina­pos na parang baboy.

Isa sa mga suspek ang nagmaneho ng taxi ha­bang sakay sa likod ang biktima na kinuha ang kitang P2,200 bago ini­wan sa Sitio Sulok, Valen­zuela City. Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pu­lisya hinggil sa insi­dente. (Lordeth Bonilla)


Show comments