^

Metro

Pasahero sa LRT bagsak ngayong summer

-

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbagsak sa bilang ng kanilang mga pasahero ngayong pa­nahon ng summer dahil sa kawalan ng pasok ng mga estudyante at pagbaba­kas­yon ng mga taga-Metro Manila sa mga lalawigan. Sa panayam ng PSN kay Tina Cas­sion, tagapagsalita ng LRTA, na bumag­sak ngayon sa 250,000 ang bilang ng pasahero ng kanilang Line 1 (Baclaran-Monumento) habang bumaba rin sa 300,000 kada araw ang pasahero naman ng kanilang Line 2 (Santolan-Recto).

Sinabi ni Cassion na inaasahan naman nila ang pagbaba ng bilang ng kanilang pasahero at taun-taon umanong trend ito dahil nga sa kawalan ng pasok ng mga estudyante dahil sa bumabagtas ang kanilang mga linya sa University Belt sa Maynila at iba pang paaralan sa Que­zon City, Pasay, Caloocan at Parañaque.

Inaasahan naman ng LRTA na aakyat muli sa 500,000 kada araw ang pasahero ng Line 1 at maging sa Line 2 sa darating na pasukan sa Hunyo.

Sinabi rin ni Cassion na nakatutok ngayon ang kanilang maintenance opera­tion sa pagsasaayos sa kanilang mga riles kung saan kailangan muling lilinisin ang mga bakal na tinatakbuhan ng tren, pagkukumpuni sa mga sira sa mga istas­yon at pagkukundisyon sa kanilang mga tren. Walang biyahe ang Line 1 at 2 ng LRTA mula Abril 9 (Huwebe Santo) hanggang Abril 12 (Linggo) para sa naturang “maintenance”. 

Mula Abril 6-8, mag-uumpisa ang biyahe ng Line 1 mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi habang alas-5 rin ng umaga ang umpisa ng biyahe ng Line 2 at alas-10 ng gabi ang last trip.

Samantala, apat na araw na walang operasyon ang Metro Rail Transit (MRT)   sa Semana Santa. Ayon kay MRT General Manager Roberto Lastimoso, ang hak­bang ay ginawa bilang paggunita sa na­turang okasyon. Anya, magbabalik ang operasyon ng MRT sa April 13 araw ng Lunes. (Danilo Garcia, Angie dela Cruz at Rose Tamayo-Tesoro)


ABRIL

CASSION

DANILO GARCIA

GENERAL MANAGER ROBERTO LASTIMOSO

HUWEBE SANTO

KANILANG

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LINE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with