Lenten alert itinaas ng NCRPO

MANILA, Philippines - Tatlong libong pulis ang nakatakdang ipa­kalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kasabay sa pag­­tataas sa full alert status upang tiyakin ang seguridad kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng Semana Santa.

Ayon kay outgoing NCRPO Chief Director Leopoldo Bataoil, inata­san na niya ang lahat ng Metro Police Directors, Chief of Police at Opera­tional Support Unit Com­manders ng NCRPO para palakasin pa ang police visibility upang ma­tiyak na magiging payapa at ligtas na pagdiriwang ng Semana Santa.

Si Bataoil ay papalitan ngayong araw (Abril 1) bilang NCRPO Chief ni out­going Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Roberto “Boy” Rosales.

Nilinaw naman ni Bataoil na hindi kabilang ang elite forces ng Spe­cial Weapons and Tactics (SWAT) at iba pang spe­cial units na kanilang ipakakalat.

Inihayag ni Bataoil na dahilan idineklara ni Pa­ngulong Gloria Macapa­gal Arroyo ang araw ng Lunes (Abril 6 ) bilang special holiday ay ina­asahan ang exodus o pag­dagsa ng mga bakas­yunista na magtutungo sa mga probinsya.

Partikular na aasiste­han ng NCRPO opera­tives ay ang mga moto­rista at commuters na magtutungo sa mga sim­bahan at iba pang mga pook dasalan sa Metro Manila gayundin ang mga magtutungo sa mga lala­ wi­gan para doon magpa­lipas ng Lenten Season.

Sinabi ni Bataoil na posibleng magsamantala ang mga elementong kri­minal sa pagsasagawa ng kanilang illegal na akti­bidades kaya’t mas ma­buti na ang nakaalerto sa lahat ng oras.

Sa mga kaso naman ng emergency, pinaalala­hanan ni Bataoil ang pub­liko na agad mag-report sa PNP Patrol 117 hotline o TXT PNP 2920 para ma­bilis itong matugunan ng NCRPO Regional Tac­tical Operations Cen­ter (RTOC) hotline sa nu­merong 8383203/838-3354 at Regional Com­plaints and As­sistance Center na ma­ko­kontak naman sa tele­ponong 8383189.


Show comments