^

Metro

Staff ni Enrile nanampal at nambatok ng 2 pulis

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang nagpakilalang staff ni Sen. Juan Ponce Enrile matapos sampalin at batukan pa nito ang da­lawang pulis na aaresto sana sa kanya matapos siyang mahuli sa aktong nagtotong-its sa gilid ng kalsada kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alex Da­coco, 52-anyos, ng Dizon St., Tinejeros ng nabanggit na lungsod.

Sa pahayag nina PO1 Emerson Pedrasta at PO1 Marcelino Bonit, kapwa ng Malabon City Police, isang hindi pa naki­­kilang babae ang ka­nilang nakita na nagpa­pa­taya ng iligal na sugal “loteng” sa na­ sabing lugar.

Bago malapitan ng dalawang pulis ang ba­bae ay nagtatakbo ito na naging dahilan upang habulin subalit nadaanan ng mga una si Dacoco na nagtotong-its din sa kalsada.

Nilapitan ng dala­wang pulis si Dacoco habang nakatakbo naman ang mga katong-its nito kung saan nang aarestuhin ang suspek ay humingi ito ng warrant of arrest sa mga una.

Nagpaliwanag ang mga pulis na kahit walang warrant of arrest ay na­aktuhan naman nila si Dacoco na nag-totong-its.

Sa kabila umano ng paliwanag ng dalawang pulis, nagalit ang suspek at agad itong nagpaki­lalang staff ni Enrile sabay sampal at batok sa mga una.

Dahil dito, walang sa­litang binitbit ng dala­wang pulis si Dacoco at dinala sa presinto.


ALEX DA

DACOCO

DAHIL

DIZON ST.

EMERSON PEDRASTA

JUAN PONCE ENRILE

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MARCELINO BONIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with